Ten out of 10 ang gradong ibinigay ni Manila Representative Bienvenido Abante sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Bunsod na rin ito ng anunsiyo ng Pangulo sa total ban ng POGO.
Ayon kay Abante na isang anti-gambling advocate, sumobra na ang mga aktibidad ng POGO at lumayo na sa “gaming” tulad ng financial scamming, money laundering, prostitusyon, human trafficking, kidnapping, brutal torture at murder.
Hanggang katapusan ng taon ang atas ni Pangulong Marcos sa Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na ipasara ang mga POGO at kung mayroon pa ring operasyon sa itinakdang deadline, sinabi ni Abante na kailangan panagutin ang mga responsableng opisyal.
Sa panig naman ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. kailangan ngayong pagtulungan ng national agencies at local government units, lalo na ng mga barangay, ang pagpapatupad sa direktiba ng presidente.
Malaking bagay aniya ito lalo na at nasira aniya ang imahe ng kanilang lalagiwan dahil aa natuklasang POGO hub sa Porac.
“Pampanga does not need POGOs to prosper. Because of its central location in Central Luzon, its extensive road network, for which we thank PBBM, and its proximity to Metro Manila, our province has rapidly developed economically. We can sustain its growth without POGOs,” sabi ni Gonzales
Nagpasalamat naman si Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez sa pagtugon ng Pangulo sa matagal na nilang panawagan sa kamara
“We made the proposal long before the authorities exposed various criminal activities associated with POGOs raided in Bamban, Tarlac and Porac, Pampanga, including money laundering and human trafficking,” ani rodriguez
Giit ni Rodriguez, naging pugad na ng sindikato ang POGO na bumibiktima hindi lang sa mga kapwa nila Chinese nationals ngunit maging sa mga Pilipino.
Nangako naman si House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co na hahanapan ng kapalit ang mawawalang kita dahil sa total ban ng PPGO.
“Now that POGOs’ abolition is policy, we will push for ways to compensate for the POGO revenue loss. The President listens to the resounding call of the Filipino people to remove all POGOs.” ani Co | ulat ni Kathleen Forbes