Nais ni Senadora Imee Marcos na matalakay ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang magiging State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ang magiging pagtugon ng pamahalaan sa presyo ng mga bilihin sa bansa.
Ayon kay Senadora Imee, bukod sa pagpapababa ng taripa sa iba’t ibang mga imported products ay nais niyang malaman kung may iba pang plano ang pamahalaan kaugnay ng isyu ng inflation.
Bukod dito, umaasa rin ang mambabatas na matatalakay ni Pangulong Marcos ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).
Giit ng senadora, kapayapaan lang ang ipinaglalaban ng ating bansa dito at hindi dapat maipit ang ating bansa sa pwersa ng dalawang dambuhalang bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion