Pamahalaan, kumikilos para makamit ang rice self-sufficiency pagsapit ng 2028 – Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magdodoble kayod ang Kamara para tumulong sa hangarin ng Marcos Administration na maging rice self-sufficient ang Pililinas pagsapit ng 2028.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang target ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay hindi na umasa ang bansa sa pag-aangkat ng bigas kaya’t tuloy-tuloy ang pagsuporta sa sektor ng agrikultura.

Nagtutulungan aniya ngayon ang Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) upang maging episyente at mapalaki ang produksyon ng agri-sector.

“Lahat ng ito kino-converge natin para mas efficient ang paggamit ng pondo. Dati, ‘yung DA may programa, NIA may programa parang hindi nag-uusap. Pero, nag-uusap na tayo. So, we feel that sa puno’t dulo nito magkakaroon tayo ng rice self-sufficiency,” saad bi Romualdez.

“So all-of-government approach, so ‘yung Department of Agriculture, National Irrigation Authority, NFA (National Food Authority), siyempre ‘yung buong executive, ngayon ‘yung legislative nagsama-sama na,” dagdag niya.

Bahagi naman ng itinutulak na convergence program ang pagkakaroon ng mas maayos na Comprehensive Irrigation Systems kung saan ang flood control project ay iuugnay na rin sa mga patubig.

Paalala pa ng House leader, na ang food security ay national security kaya mahalaga aniya ang ugnayan ng ehekutibo at lehislatura sa paglalatag ng pang matagalang solusyon kung saan walang Pilipino ang magugutom.

Isa sa mga lehislasyon ang pag amyenda sa Rice Tariffication Law, upang mapalawig pa ang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF at maitaas ang pondo nito sa P15 bilyon mula sa kasalukuyang P10 bilyon. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us