Wala nang namo-monitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na foreign terrorist na nagtatago sa Pilipinas, sa gitna ng pina-igting na laban ng Marcos administration kontra insurgency at terorismo.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na ang dalawang huling napaulat na foreign terrorist sa bansa, na-neutralize na noong nakaraang taon.
Isang indicator aniya sa progreso sa linyang ito sa nakalipas na tatlong taon, wala nang napauulat na kidnap for ransom, na talamak noon sa Jolo at Basilan, mapa-local o foreign tourist man ang dinudukot.
“Kung mapapansin ho ninyo, ang isang indicator ng progress natin is that for the past three years, wala na pong mga nababalitaan tayong mga kidnap-for-ransom ‘no. Hindi po katulad noong unang panahon ay marami – lalung-lalo na sa Jolo, sa Basilan maraming naki-kidnap-for-ransom both na mga foreigners pati mga locals.” —Gen. Brawner.
Kaugnay nito, sinabi ng heneral na nagpapatuloy rin ang isinasagawa nilang decommissioning sa Islamic Armed Forces Combantants, maging ang reintgration program para sa mga ito.
“Marami na rin tayong na-accomplish although medyo na-late tayo nang kaunti dahil nga po doon sa pandemic but tuluy-tuloy naman po iyong ginawa nating decommissioning at iyong reintegration. So, sa ngayon ay malapit na po nating ma-accomplish iyong phase 3 natin so magpapatuloy pa rin ho iyong ating decommissioning process.” —General Brawner. | ulat ni Racquel Bayan