Nakatutok pa rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lagay ng Bulkang Kanlaon na nakapagtala ng mataas na lebel ng ground deformation o pamamaga.
Ayon sa PHIVOLCS, sa nakalipas na buwan, naitala ng ahensya ang mataas na ground inflation, isang indikasyon na patuloy na naiipon ang magma sa crater nito.
Batay rin sa patuloy na GPS at electronic tilt measurements, nagpapahiwatig ito ng pangmatagalang pagtaas ng presyon sa loob ng bulkan.
Patuloy na pinaalalahanan ang publiko na nakataas pa rin ang Alert Level 2 (increasing unrest) sa Kanlaon.
Dahil dito, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ) upang maiwasan ang banta ng volcanic hazards. | ulat ni Merry Ann Bastasa