Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hinamon si Pastor Apollo Quiboloy na harapin ang kaso at sumunod sa batas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung mula man ang P10 milyong pisong pabuya sa pribadong sektor para sa ikadarakip ng nagtatagong Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Sa ambush interview kay Pangulong Marcos sa Upper Wawa Dam impounding process ceremony, sinabi ng niya na itinuturing na “pugante” ngayon ang Pastor.

“Bakit hindi?” tanong ng Pangulo kung mag- ambag man ang private sector sa reward money na nakapatong ngayon sa ulo ng tinaguriang “son of god” lalot ang estado na ngayon ng Pastor ay isang fugitive.

Hamon ng Pangulo kay Quiboloy, harapin na lang ang asunto at sumunod sa itinatakda ng batas. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us