Ligtas at accounted ng lahat ang labing pitong Pinoy seafarers na una ng nasa kustodiya ng Houthi rebels.
Ito ang ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang X account base na din sa ipinadalang ulat sa kanya ng ating embahada sa Riyadh.
Kaugnay nito’y tiniyak ng Pangulo sa mga mahal sa buhay ng nabanggit nating mga kababayan na hindi nagpabaya ang pamahalaan sa nabanggit na mga seafarers at ginawa ang lahat ng makakaya upang maibalik sila pabalik ng bansa.
Kaisa din aniya ang Pilipinas sa panawagan din ng ibang mga bansa para sa mabilis na resolusyon hinggil sa nagpapatuloy pa ring conflict sa Middle East region.| ulat ni Alvin Baltazar