Naiabot na ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang New Expenditure Program 2025.
Nakapaloob sa NEP ang detalyadong mga programang iminumungkahi para sa susunod na taon kabilang na Ang halaga ng pondong kakailanganin sa 2025.
6.35 trillion pesos ang nakapaloob sa proposed budget para sa susunod na taon na sampun Punto Isang porsiyentong mataas kaysa SA budget ngayong taon na nasa 5.768 trillion pesos.
Ito ay katumbas Naman Ng 22 percent ng gross domestic product Ng Bansa
Sa State of the Nation Address ng Pangulo nuong Isang linggo ay sinabi nitong buong ingat na binuo ang 2025 budget at inaasahang ang lahat ng ahensya ay titiyaking gagastusin ng wasto ang kanilang pondo.
Edukasyon ang nananatiling top priority sa alokasyon na aabot sa 977.6 billion pesos na sinundan ng DPWH na nasa 900 billion pesos. | ulat ni Alvin Baltazar