Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mapayapang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament sa susunod na taon.
Ang paghikayat ay ginawa ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Punong Himpilan ng 11th Infantry Division ng Philippine Army sa lalawigan ng Sulu.
Kaugnay nito ay binigyang direktiba din ng Pangulo ang AFP na tiyaking walang magaganap na anumang terorismo at karahasan sa kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon.
Maliban sa Sulu, kabilang din sa mga lalawigang nasa ilalim ng BARMM ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao at Tawi-Tawi.| ulat ni Alvin Baltazar