Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng lahat ng nagsusulong ng demokrasya, sa pag-kondena sa anumang porma ng political violence. Aniya, dapat ay palaging nangingibabaw ang boses ng taumbayan.
Pahayag ito ng Pangulo kasunod ng assassination attempt kay former US President Donald Trump habang nagsasalita sa isang rally sa Pennsylvania.
Mayroong dugo sa bahagi ng tengga at pisngi ang former US President habang ini-escortan ito pababa ng stage.
Una nang siniguro ng mga awtoridad na ligtas si Trump.
Kaugnay nito, nagpapasalamat naman si Pangulong Marcos na ayos na ang lagay ng dating US leader, kasabay ng pagpapaabot ng panalangin para dito.
“It is with great relief that we receive the news that former President Donald Trump is fine and well after the attempt to assasinate him. Our thoughts and prayers are with him and his family. Together with all democracy loving peoples around the world, we condemn all forms of political violence. The voice of the people must always remain supreme.” —Pangulong Marcos.
Isa ang patay at dalawang iba pa ang sugatan, sa insidente. Patay rin ang 20-year-old na shooter. | ulat ni Racquel Bayan