Kuntento si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa narinig na ulat kaugnay sa ginagawang pagtugon ng mga tanggapan ng pamahalaan sa epekto ng bagyong Carina.
Sa situation briefing sa NDRRMC, sinabi ng Pangulo na wala na siyang masyadong special order sa government offices lalo’t mayroon naman nang sinusunod na standard operating procedure (SOP) ang mga ito.
Ang bilin lamang ng Pangulo, ipagpatuloy pa ang monitoring sa pinakahuling galaw ng Carina upang agad na makatugon sa pangangailangan ng pagkakataon.
Una na ring ipinag-utos ng Pangulo na tutukan ang mga komunidad na hindi pa napahahatidan ng tulong hanggang sa kasalukuyan dahil sa baha.
Nasa P2.88 billion na halaga ng prepositioned assistance ang nakahanda na habang higit 4,000 personnel ang naka-stand by para sa search, rescue, at retrieval operations. | ulat ni Racquel Bayan