Pangulong Marcos Jr., umapela sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang maiwasan ang mga pagbaha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na huwag magtapon ng basura kung saan-saan, na nagiging sanhi ng pagbabara ng mga kanal at pumping stations.

Sa inspeksyon sa mga nabahang lugar sa Navotas City, ngayong araw (July 25), binigyang diin ng Pangulo na dadagdagan ang mga pumping station sa bansa halimbawa na lamang sa Metro Manila.

Sa Navotas lamang aniya, mayroon ng 81 pumping stations habang 32 naman sa Valenzuela.

Ang problema ayon kay Pangulong Marcos, bumara ang mga basura sa pumping stations na ito kaya’t hindi masyadong gumana ang mga ito.

Kahit gaano karami aniya ang pumping stations kung puro basura naman ang haharang at babara rito talagang hindi ito uubra kontra baha.

Lalo na kung sasabayan pa ng malakas na ulan at high tide. 

Kaya panawagan ng Pangulo, wag naman sanang basta na lamang magtapon ng basura kung saan-saan.

“Yung pumping stations natin, marami na. Nagkaproblema lang, sana matuto naman ang tao, huwag kayong nagtatapon ng basura, kasi iyong basura, iyon ang nagbara sa pump natin, kaya hindi kasing effective na pwede. In Navotas, 81. In Valenzuela, they have 32. Marami na iyong pumping stations, pero talaga, you have to put it somewhere. Yesterday, 12 o clock was high tide. Nagsabay-sabay. Malakas ang ulan, tapos nag-high tide.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us