Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbati para sa bagong halal na Prime Minister ng United Kingdom na si Keir Starmer.
Sa kanyang X account ay hiniling ni Pangulong Marcos ang tagumpay para sa bagong liderato ng UK.
Kasama ring binati ng Pangulo ang partido ni PM Starmer.
Nagpahayag din ng pag-asa ang Pangulo ng mas malalim pang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at ng United Kingdom.
Nakuha ng opposition labour party ang mayorya ng parliamentary votes sa kanilang general election.
Papalitan ni Starmer si outgoing UK prime minister Rishi Sunak.| ulat ni Alvin Baltazar