Ginamit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang weekend upang mag-ensayo at tapusin ang ginagawang pagha-handa para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) bukas (July 22).
Ayon sa Pangulo, sabik na siyang ibahagi sa mga Pilipino ang mga nagawa at ginagawa pa ng pamahalaan para sa hinaharap ng Pilipinas.
Nagbahagi ng larawan ang Malacañang kaugnay sa mga paghahanda ng Pangulo, sa Palasyo.
Kabilang dito ang pagbabasa ng kaniyang magiging talumpati bukas, at ang pagwa-wasto ng ilang salita na laman nito.
Kaugnay nito, una nang sinabi ng Palasyo na ang barong na gagamitin ng Pangulo bukas, ay produkto ng pagtutulungan ng mga artisan mula sa Lucban, Quezon, Taal, Batangas, at Aklan.| ulat ni Racquel Bayan