Kinumpirma sa Radyo Pilipinas ni Philippine Army Spokeperson, Colonel Louie Dema-ala ang pagsiklab ng panibagong engkwentro sa bayan ng Pantabangan sa Nueva Ecija
Sinabi ni Dema-ala, na nagpapatuloy ang naturang engkwentro na nagsimula kaninang hapon lamang partikular na sa Brgy. Cambital.
Kasunod nito, ipinabatid din ni Army’s 7th Infantry Division Spokesperson, Major Jimson Masangkay na hindi pa nila mabatid kung ang mga naka-engkwentro ng mga tropa ng militar ay ang kaparehong grupo na kanilang nakasagupa noong Hunyo 26.
Magugunitang 10 miyembro ng CPP-NPA ang nasawi matapos magsagawa ng aerial strike ang militar laban sa Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon sa Nueva Vizcaya noong Hunyo 20 na bumaba pa hanggang sa Pantabangan.
Inaasahang maglalabas naman agad ng panibagong ulat ang militar hinggil sa kung may nasawi o nasugatan sa nagpapatuloy na bakbakan. | ulat ni Jaymark Dagala