Nakipagpulong ngayong araw si Sen. Imee Marcos sa mga brgy officials sa Quezon City para talakayin ang itinutulak nitong panukala na naglalayong pahabain ang termino ng mga opisyal ng barangay sa anim na taon mula sa kasalukuyang tatlong taon.
Ito ay sa ilalim ng Senate Bill 2629 na nagaamyenda sa batas upang lahat ng mga opisyal ng barangay ay magsisilbi na ng diretsong anim na taon.
Ayon sa senador, na siya ring chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, kulang ang tatlong taon para matupad ng mga barangay official ang lahat ng kanilang gampanin mula sa national government at local government units (LGUs)
Kaugnay nito, pupursigihin din aniya ng senador na mapasama sa priority measures ang naturang panukala nang maihabol ito bago matapos ang sesyon.
Hiniling naman ng senador ang suporta ng mga brgy official sa QC para matuloy ang usad ng panukala sa senado.
Kasama rin sa pulong si QC Vice Mayor Gian Sotto na tiniyak ang commitment ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng resolusyong sumusuporta sa panukala. | ulat ni Merry Ann Bastasa