Panukalang ilipat ang Manila Zoo sa Masungi Georeserve, Rizal Province, tinutulan ng Manila City LGU 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing tinutulan ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang panukala ni Senador Francis Tolentino na ilipat sa Masungi Georeserve sa Rizal Province ang Manila Zoo. 

Ayon sa alkalde, bahagi na ng kasaysayan ng Maynila ang Manila Zoo kung kaya’t hindi sila papayag na alisin ito dito. 

Gumagawa na daw sila ng mga kaukulang hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng mga hayop na nasa loob ng Zoo. 

Hindi na rin daw matatawag na Manila Zoo kung ito ay ililipat ng ibang lugar. 

Sa kanyang mungkahi, sinabi ni Tolentino na mas makabubuti para sa mga hayop na ilagay sila sa kanilang natural habitat tulad ng Masungi Georeserve sa Rizal Province.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us