Nagkasundo na ang Bicameral Conference Committee kaugnay ng panukalang Philippine Maritime Zones Act.
Kabilang ang panukalang Philippine Maritime Zones Act sa mga priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ayon kay Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairperson Senador Francis Tolentino, kabilang sa mga salient point na naisama sa bicam version ng panukala ay ang pagsama sa Palawan at sa Philippine Rise.
Sinabi rin ni Tolentino, na maaaring mababanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang state of the nation address (SONA) sa Lunes ang panukalang ito.
Binigyang diin ng senador ang kahalagahan na maipasa ang panukala dahil mapapatibay nito ang karapatan natin sa mga karagatang sakop ng ating teritoryo.
Sakaling maging ganap na batas aniya ito ay magiging maliwanag ang boundary ng bansa at kung saan pwedeng mangisda ang ating mga kababayan. | ulat ni Nimfa Asuncion