PAOCC, DOJ, at CIDG, magpupulong para talakayin ang pagkakasangkot ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa isyu ng POGO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makikipagpulong ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ito’y para talakayin ang naging pahayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nagdadawit kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa sinalakay nilang POGO hub na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, pag-uusapan sa nasabing pagpupulong kung isasama ba o hindi si dating Sec. Roque sa kanilang iimbestigahan matapos ang naging pagdinig ng Senado kahapon tungkol dito.

Una kasing naglabas ng pahayag si PAGCOR Chair at CEO Alejandro Tengco na lumalapit umano sa kanila si Roque bilang abogado ng Lucky South 99 para magpatulong sa pagkakautang ng kaniyang kliyente gayundin ay para ma-renew ang lisensya nito.

Bagay na itinanggi naman ni Roque sa pagsasabing hindi siya kailanman naging abogado ng Lucky South kundi ng Whirlwind na siyang service provider nito.

Magugunitang inihayag ng PAOCC na may mga nakuha silang bank documents at ilang dokumento mula sa Malacañang na nagsasaad ng pangalan ng kalihim at ng isang Alberto de la Serna sa pinakahuling inspeksyon nito sa Lucky South 99.

Sinab ni Casio na wala silang nakikitang kahina-hinala sa mga naturang dokumento subalit dahil sa naging pagbubunyag ni Tengco ay kanilang aalamin kung may pangangailangang isama si Roque sa nagpapatuloy na imbestigsasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us