Papel ng Reserve Force sa territorial defense, binigyang-diin ng AFP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mahalagang papel ng Reserve Force sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa.

Ito ang inihayag ni Gen. Brawner sa kanyang mensahe sa mga nagtapos ng Basic Citizen Military Course Class 08-24 01 at 09-24 sa graduation ceremony sa Baguio Country Club noong Sabado.

Binati ni Gen. Brawner ang mga bagong graduate na nagpamalas ng dedikasyon at commitment upang makumpleto ang pagsasanay.

Ang Basic Citizen Military Course ay dinisenyo para turuan ng “military skills” ang mga mamayan na makakatulong sa pagtatanggol ng bansa at sa anumang panahong ng pangangailangan.

Ang mga bagong graduate ay mapapabilang sa Reserve Force ng Philippine Navy na nakabase sa Northern Luzon.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PFC Carmelotes/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us