Party-list solon, inirekomenda na isama ang usapin ng West Philippine Sea at arbitral ruling sa National History Curriculum

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni PBA Party-list Representative Margarita ‘Migs’ Nograles sa bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) na si Secretary Sonny Angara na isama sa National History Curriculum ang paksa ukol sa isyu sa West Philippine Sea at arbitral ruling.

Ito aniya ay upang mapalawak ang kaalaman ukol sa territorial integrity ng Pilipinas.

Aniya isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang naipanalong arbitral case noong 2016 na nagbibigay ngipin sa ating sovereign rights sa mga teritoryong inaangkin ng China.

Kaya importanteng maituro sa mga paaralan ang landmark decision at kasalukuyang territorial disputes.

“Educating our youth about the significant issues surrounding our territorial claims in the West Philippine Sea is crucial for fostering a well-informed citizenry and cultivating a sense of national pride and responsibility,” sabi ni Nograles.

Mas mapapalalim din aniya nito ang pag-unawa ng mga mag-aaral ukol sa geopolitical landscape ng Southeast Asia at kung bakit mahalaga ang pagkilala sa rule of law sa international relations.

“Our young Filipinos should be aware of the legal and historical context of our territorial claims to better appreciate the efforts of our government and diplomats in defending our sovereignty,” dagdag ni Nograles.

Kasabay nito ay nagpaabot ng pagbati at kumpiyansa ang solon sa kakayanan ni Angara na pamunuan ang DepEd dahil na rin sa educational background at karanasan niya sa public service.

“Senator Angara’s extensive experience in public service, his advocacy for education, and his proven leadership make him exceptionally qualified for this role. I am confident that under his stewardship, our educational system will continue to advance and address the evolving needs of our nation,” wika ni Nograles. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us