Pumirma ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Lokal na Pamahalaan ng Pasay, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at Manila International Airport Authority (MIAA) para sa isang staging area ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o 4PH Project.
Ang staging area na ito ay magsisilbing pansamantalang matutuluyan para sa mga benepisyaryo ng pabahay habang inihahanda ang implementasyon ng 4PH, alinsunod sa Republic Act No. 11201. Layunin ng proyekto na magbigay ng disenteng pabahay para sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.
Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, isang malaking karangalan at pribilehiyo para sa lungsod ang maging bahagi ng naturang inisyatiba, na nagsusulong ng disente at abot-kayang pabahay para sa mga benepisyaryo ng 4PH.
Idinagdag niya na ang kolaborasyon ng mga ahensiyang sangkot ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon na magsilbi sa publiko.| ulat ni EJ Lazaro