Pasig City Mega Market, magpapatupad ng extended operating hours hanggang August 31

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawig pa ng Pasig City LGU ang oras ng operasyon ng kanilang Mutya ng Pasig Mega Market.

Batay sa abiso ng LGU, bukas ang naturang pamilihan mula ala-1 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Ayon sa Pasig LGU, layon nito na bigyan ng mas maraming oras ang mga mamimili.

Epektibo kahapon, July 22 ang naturang extended operating hours na tatagal naman hanggang August 31.

Gayunman, ipinabatid din ng LGU na magiging half-day ang operasyon ng pamilihan sa August 26 o tuwing ikaapat na Lunes ng bawat buwan.

Ito’y para bigyang-daan naman ang regular na paglilinis at pagmamantine sa naturang pamilihan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us