‘Pasko sa Hulyo,’ muling aarangkada para sa mga lolo, lola sa Valenzuela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aarangkada na muli sa lingggong ito ang programang Pasko sa Hulyo ng Valenzuela City para sa mga senior citizen sa lungsod.

Ito ay maagang handog na Pamasko ng pamahalaang lungsod para sa higit 65,000 residenteng senior citizen.

Layon ng programa na makatulong sa pamilya ng mga lolo at lola at makabawas na rin sa kanilang gastusin.

Kasama sa matatanggap ng mga registered seniors sa lungsod ang rice gift packs na tig-10 kilo kada tao.

Batay sa abiso ng LGU, magsisimula sa Biyernes, July 12, hanggang sa July 20 ang pamamahagi ng gift packs.

Kailangan lamang na magpunta ang mga senior sa itinalagang redemption site sa araw at oras na nakalagay sa kanilang claim stub at dalhin ang Pasko sa Hulyo claim stub, Senior Citizen ID, Authorization Letter na may pirma ng senior citizen (kung ipapakuha sa kamag-anak). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us