Sinuspinde na ng Malacañang ang pasok sa government offices at pampublikong paaralan sa Metro Manila dahil sa mga pag-ulan na dala ng Bagyong Carina.
Epektibo ito simula alas-dos ngayong hapon (July 23, 2024).
Base sa Memorandum Circular No. 57, ang mga tanggapan naman na mayroong kinalaman sa delivery ng basic services at disaster preparedness at response ay kailangang magpatuloy sa operasyon.
Habang ang pasok sa mga pribadong kumpanya ay ipinauubaya na ng Palasyo sa pribadong sektor.
Pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang memo, ika-23 ng Hulyo, 2024. | ulat ni Racquel Bayan