Nagpalabas na ng kautusan ang Office of the House Secretary General na wala nang pasok sa Kamara ngayong araw July 24.
Bunsod pa rin ito ng sama ng panahon dulot ng bagyong Carina.
Kanselado na rin ang pagdaraos ng plenary session at committee hearings.
Nitong Martes kasi, kahit na may anunsyo ng suspensyon ng pasok sa tanggapan ng gobyerno, pinahintulutan na magpatuloy ang oversight briefing ng Committee on Appropriations at joint investigation ng Public Order and Safety at Games and Amusements. | ulat ni Kathleen Jean Forbes