Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno maging ng mga estudyante sa Metro Manila sa lahat ng antas, sinuspinde ng Malacañang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasya ang Malacañang na suspindehin ngayong araw ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa National Capital Region (NCR) epektibo ngayong alas-5 ng umaga.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang hakbang ay alinsunod na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ito’y sa gitna na din ng patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat at bagyong Carina.

Gayunpaman, magpapatuloy aniya ang operasyon at serbisyo ng mga ahensya na may kinalaman sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, at paghahanda o pagtugon sa mga sakuna at kalamidad.

Sa kabilang dakoy nasa  pagpapasya na ng kani-kanilang management ang pagsuspinde ng trabaho para sa mga pribadong kompanya.  | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us