Pasok sa mga tanggapan sa Quezon City Hall, suspendido simula mamayang tanghali para bigyang-daan ang SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ang Quezon City local government na hanggang alas-12 ng tanghali lamang ang pasok mga tanggapan ng City Hall ngayong Lunes, July 22, 2024.

Ito ay para bigyang-daan ang gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mamayang hapon.

Sa inilabas nitong memo, hinihikayat ang lahat ng kawani ng pamahalaang lungsod na makinig sa SONA ng Pangulo.

Mananatili namang may pasok ang essential services gaya ng law enforcement, traffic management, fire protection, health, at disaster response and management.

Una nang nag-abiso ang QC LGU sa traffic at rerouting plan na ipatutupad ngayong araw ng SONA. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us