Pumalo na sa P873.31 million halaga ng pautang ang naipagkaloob ng National Electrification Administration (NEA) sa 21 electric cooperatives (ECs) sa bansa hanggang Hunyo 30 ngayong taon.
Ayon sa pinakahuling datos mula sa NEA Accounts Management and Guarantee Department (AMGD), P447.98 million ang ginamit para sa Capital Expenditure (CapEx) projects ng 15 EC.
Habang P412 million naman ang na-avail bilang working capital ng 7 ECs.
Nakakuha din ang Bohol Electric Cooperative 1 (BOHECO I) ng P13.33 million bilang calamity loan para sa rehabilitasyon ng Janopol Mini-Hydro Power Plant na nasira ni Super Typhoon Odette noong 2021.
Nag-aalok ang NEA ng tulong pinansyal sa mga EC sa pamamagitan ng Enhanced Lending Program nito. | ulat ni Rey Ferrer