Nagbigay na ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng concerned government agencies na ibigay ang agarang tulong sa lahat ng naapektuhan ng habagat at bagyong Carina.
Ayon sa Pangulo, may nakahandang ₱2.88-milyong pisong tulong at 4,500 na tauhan na naka-standby para sa search, rescue, at retrieval operations.
Kasabay nito’y inihayag ng Pangulo na kanyang pupuntahan ang situation briefing ngayong umaga sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ito’y upang mahingan ng latest update ang mga ahensya ng pamahalaan hinggil sa kasalukuyang sitwasyon at tiyakin na lahat ng kinakailangang suporta ay maibigay nang mabilis at epektibo sa mga apektado ng bagyo at habagat. | ulat ni Alvin Baltazar