Nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para sa pagsasagawa ng assessment kasunod ng nangyaring paglubog ng isang oil tanker sa Bataan na nauwi sa oil spill.
Partikular na inatasan dito ang Chief Executive ang DENR, DOST at Philippine Coast Guard para pangunahan ang pagsisiyasat.
Kaugnay nitoy nais namang ipadetermina ng Pangulo sa DENR ang environmental impact ng nangyaring paglubog ng oil tanker.
Kailangang malaman ng environmental experts ayon sa Pangulo kung aling mga baybaying-dagat ang maaapektuhan ng oil spill at mula dito ay makapaghanda aniya ang gobyerno ng kinakailangang tulong sa mga maapektuhan.
Humihingi din ng datos ang Pangulo mula sa mga otoridad hinggil sa posibleng epekto ng oil spill sa kapaligiran. | ulat ni Alvin Baltazar
📷 PCG