Inilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang makasaysayang pagdiriwang ang ika-110 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo ngayong araw na ito, July 27.
Kalakip ng pagbati na ipinaabot ng Punong Ehekutibo sa Iglesia ay ang paglalarawan nito sa matibay na pananampalataya at dedikasyong ipinamamalas ng mga kaanib nito.
Ayon sa Pangulo, ang walang sawang paglilingkod at gawain ay nagpapakita ng pagkakaisa, pag- unlad at mas malalim ng pang-unawa bilang isang sambayanan.
Hinikayat din ng Chief Executive ang Iglesia ni Cristo na manatiling maging inspirasyon sa buong bansa.
Saad ng Pangulo, higit pa sanang pagtibayin ng Iglesia ang pananalig at pananampalataya sa Panginoong Diyos at sa kapwa. | ulat ni Alvin Baltazar