PBBM, nagpahayag ng suporta sa Team Pilipinas athletes na nakikipagtunggali ngayon sa Paris Olympics 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Best of luck ang ipinaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga atletang Pinoy na sumasabak ngayon sa Paris Olympics 2024.

Ipinaabot ng Pangulo ang kanyang suporta sa mga manlalarong Pinoy sa kanyang Facebook account.

Mensahe ng Pangulo sa mga atleta, ipakita sa buong mundo kung ano ang mga Pinoy athletes.

Nasa 22 Filipino athletes ang sumasabak ngayon sa 2024 Paris Olympics at nakikipag-compete sa mga paligsahang artistic gymnastics, fencing, pole vault, single sculls, skate boarding, at iba pa.

Kabilang naman sa kilalang atletang nangunguna sa Philippine Team ay sina gymnast gold medalist Carlos Yulo at pole vaulter na si EJ Obiena.  | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us