PBBM, pinasisimulan na ang rehabilitation at recovery phase kasunod ng agricultural damage na nilikha ng nagdaang kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masimulan na ang rehabilitation at recovery phase sa agrikultura at sa imprastraktura.

Kasunod ito ng iniwang pinsala o agricultural damage ng bagyo at habagat  na sinabayan pa ng high tide.

Ang direktiba ng Pangulo sa Department of Agriculture (DA) ay habulin ang planting season at ng sa gayon ay mabigyan ng tulong ang mga naapektuhang magsasaka.

Kaugnay nito’y pinatutukoy ng Pangulo ang mga lugar kung saan pwedeng ipadala ang binhi gayundin ng fingerlings na aniya’y kailangang agad na maibigay sa mga kinauukulan

Kailangan aniyang makabawi ang mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng mapanirang nagdaang kalamidad at matiyak na hindi mawalan ang mga ito ng hanapbuhay. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us