Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang puwersa ng pamahalaan sa Mindanao dahil sa matagumpay na kampanya nito kontra sa Abu Sayyaf Group at iba pang kalaban ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, malaki na ang nabawas sa banta ng ASG dahil na din sa matagumpay na pagtugis ng tropa ng gobyerno laban sa mga ito.
Sa briefing na ibinigay sa Pangulo kaugnay ng naging pagbisita nito sa headquarters ng 11th Infantry Division (ID) in Camp Teodulfo Bautista in Jolo, Sulu, iniulat sa Chief Executive na wala nang gumagalaw na yunit ng ASG.
Ganunpaman, paalala ng Chief Executive sa Armed Forces of the Philippines, hindi pa rin dapat magpaka-kumpiyansa lalo’t hindi pa din naman tuluyang nalalansag ang mga kalaban ng gobyerno. | ulat ni Alvin Baltazar