Inaasahang mas magiging efficient na at moderno ang ginagawang procurement ng pamahalaan kasunod ng ginawang paglagda sa Government Procurement Act ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo, mas lalakas at mas magiging efficient ang byurukrasya kasunod ng pagkakalagda sa dalawang bagong batas.
Sa ilalim ng Government Procurement Act, inihayag ng Pangulo mas mapapabilis ang procurement process na dapat ay hanggang 60 araw lamang.
Layunin din ng bagong batas na hindi lamang makakuha ang pamahalaan ng mababang halaga ng mga binibiling gamit kundi higit sa lahat ay matiyak ang kuwalidad sa pino- procure nito.
Sa kabilang dako ay magbibigay naman ng proteksiyon ang Anti-Financial Account Scamming Act sa mamamayan gayundin ang financisl institutions laban sa cyber criminals. | ulat ni Alvin Baltazar