Pabor ang Philippine Chamber of Commerce and Industry na tuluyang ipagbawal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa.
Pero nilinaw ni PCCI President Nina Mangio na basta’t gawin ito ng unti-unti ng pamahalaan.
Naniniwala si Mangio na maraming negosyo sa iba’t ibat sektor ang posibleng maapektuhan malapit sa mga POGO hub.
Aniya, dapat may nakahandang programa ang pamahalaan para sa mga Pinoy na mawawalan ng hanapbuhay.
Para sa PCCI, dapat unang tutukan ang mga iligal na operasyon ng POGO na mayroong criminal activities.
Kailangan din aniyang pag-aralan kung maaari pang i-regulate ang licensed at legal POGO lalo’t nagpapasok din ito ng kita sa pamahalaan.| ulat ni Rey Ferrer