Ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) na isang radio challenge ang isinagawa nito bandang 8:55 ng umaga kahapon ng July 5 para sa China Coast Guard (CCG) na nasa katubigang sakop ng Escoda o Sabina Shoal.
Nagpaalaman na ang nasabing CCG Vessel na may bow number na 5901 ay ang “Monster Ship” ng CCG dahil sa ito na ang pinakamalaking sasakyang pandagat ng kanilang hanay sa kasalukuyan.
Ayon sa ulat ng PCG, nasa 800 yarda lamang ang layo ng CCG “Monster Ship” sa BRP Teresa Magbanua nang nag-issue ito ng radio challenge.
Matatandaang kalagitnaan pa ng Abril nitong taon naglalagi sa katubigan ng Escoda Shoal ang BRP Teresa Magbanua, na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa. | ulat ni EJ Lazaro