PCG, tumugon sa isang Chinese crew na naaksidente sa karagatang sakop ng Antique

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agarang isinagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang medical evacuation para sa isang Chinese crew member na naaksidenteng naputulan ng kaliwang hinlalaki habang nasa karagatang malapit sa Antique.

Kinilala ang nasabing Chinese national na isang 35 taong gulang na lalaki na second engineer na lulan ng Hong Kong-flagged bulk carrier na MV BBG Qinzhou na mula Nansha, China at patungong Tanjung Bara sa Indonesia.

Sinasabing nangyari ang aksidente matapos tumama ang daliri nito sa isang matulis na fan blade kaya’t kianakailangan itong dalhin agad sa ospital.

Sa koordinasyon ng kapitan ng barko at mga agent ng barko, agad na nagpadala ang Coast Guard ng barko nitong BRP Kalanggaman sa isang rendezvous point malapit sa Nogas Island, Anini-y, Antique.

Ligtas namang nailikas ang nasugatan na tripulante at agad na binigyan ng tulong medikal ng apat na tauhan ng PCG habang papunta sa Muelle Loney Wharf sa Iloilo City.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us