‘Peace education,’ isinusulong ng OPAPRU sa sistemang pang-edukasyon ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipagtulungan ang Office of the Presidential Adviser for Peace Reconcilation and Unity (OPAPRU) sa iba’t ibang institusyong pang-edukasyon para maisama sa “curriculum” ang “peace education.”

Ayon kay Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr., ang “peace education” ang pundasyon ng lahat ng lipunan.

Ito ang binigyang-diin ng kalihim sa kanyang mensahe sa ika-45 Commencement Exercise ng Mindanao State University – General Santos City noong Biyernes.

Ang MSU ang isa sa mga pangunahing “partner” ng OPAPRU sa implementasyon ng “Transformation Program for former Moro National Liberation Front (MNLF) combatants” at iba pang inisyatiba para palaganapin ang “peace education” sa mga kolehiyo at unibersidad.

Sinabi ni Sec. Galvez na sa pagpapahalaga ng MSU sa “peace education” inaasahan niya na ang mga bagong-graduate ay nabigyan ng akmang kakayahan para positibong makapag-ambag sa kani-kanilang mga komunidad.  | ulat ni Leo Sarne

📸: OPAPRU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us