PEGASE 2024 Air Show sa Clark, nagpatatag ng ugnayan ng Phil. at French Air Force

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa sa unang pagkakataon ang Philippine Air Force (PAF) sa French Air and Space Force (FASF) enhanced stopover sa bansa na tinawag na Projection of a Heavy Air Package in Southeast Asia (PEGASE) 2024.

Ang limang araw na aktibidad sa Clark Airbase sa Pampanga ay sinimulan nitong nakalipas na July 27, 2024.

Photo courtesy of Philippine Air Force

Matutunghayan sa aktibidad ang demonstrasyon at Static Display ng French Rafale fighter jets, tanker transport aircraft, at A400M Airbus military transport aircraft.

Maliban dito, magkakaroon din ng Joint Photo Flight at Subject Matter Expert Exchanges na nakatuon sa cargo at aircraft engineering.

Photo courtesy of Philippine Air Force

Ang kolaborasyon ng PAF sa FASF ay bahagi ng commitment ng PAF na palakasin ang ugnayang pandepensa sa mga kaibigang pwersa sa pagsulong ng regional peace and security. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us