Nagtapos sa kauna-unahang sabayang pagsasanay sa combat tracking at urban infantry operations ang Philippine Army at Cambodian Army sa Techo Sen Phnom Thom Mres Prov, RCAF Training Center, Kampong Speu, Cambodia noong Biyernes.
Lumahok sa pagsasanay ang Special Forces Regiment (Airborne) at First Scout Ranger Regiment ng Phil. Army kasama ang kanilang Cambodian counterparts.
Ang pagsasanay ay kinabibilangan ng classroom instructions, field exercises, at simulated combat scenarios, na layong mapahusay ang kakayahan at interoperability ng dalawang pwersa.
Ang closing ceremony ay dinaluhan ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido at Philippine Ambassador to Cambodia Her Excellency Flerida Ann Camille Mayo.
Itinampok sa closing ceremony ang isang demonstrasyon ng pinagsanib na pwersa sa close-quarter combat.
Ayon kay Phil. Army Spokesperson Colonel Louie Dema-ala, ang sabayang pagsasanay ng dalawang pwersa ay nagpatatag sa ugnayang pandepensa ng Pilipinas at Cambodia bilang panimula ng mas komprehensibong pagsasanay sa hinaharap. | ulat ni Leo Sarne
Photos: Royal Cambodian Army