Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo, inilunsad ng Philippine Red Cross (PRC) ang “Disaster Wais Series.”
Ito ay mga serye ng video na nagbibigay diin sa kahalagahan ng kahandaan sa panahon ng sakuna.
Ang unang episode ay pinamagatang “Go Bag,” na nagpapakita ng mga dapat ilagay sa isang emergency kit gaya ng tubig, pagkain, flashlight, first aid kit, at iba pang mahahalagang gamit.
Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, dapat matutunan ng bawat Pilipino ang 4Ps o ang predict, plan, prepare, at practice upang maging handa sa mga kalamidad.
Hinikayat din ni Gordon ang publiko na maging “Disaster Wais” at sumali sa PRC bilang volunteer para matutunan ang mga life-saving skill. | ulat ni Diane Lear