Nagsagawa ng relief operation ang Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sa tulong ng MLhuillier OPEC ZAMSULTA Las Islas at MJ Catering, para sa mga pamilyang apektado ng sama ng panahon sa Zamboanga City kahapon.
Dito’y namahagi ang mga tropa ng mga relief pack na naglalaman ng 2 kilo ng bigas, canned goods, noodles, at inuming tubig sa 75 pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation Center.
Ang mga biktima ay mula sa Barangay Pamucutan at Sitio Anuling na lumikas dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng Southwest Monsoon noong Hulyo 12-13, 2024.
Kasama sa mga napagkalooban ng tulong ang pamilya ng mag-inang nasawi sa mudslide sa Sitio Anuling.
Tiniyak ng NFWM at mga partner stakeholder na lagi silang handang tumulong sa mga komunidad sa panahon ng kalamidad. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of NFWM