Siniguro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ligtas ang mga personal na impormasyon ng kanilang mga miyembro sa pagsasama nila sa eGovPH app.
Ayon kay PhilHealth Acting Vice President for Corporate Affairs Group at Spokesperson Rey Baleña, sa tulong ng Department of Information and Communications Technology, mayroon na aniyang Cyber Security Defense ang Philhealth.
Nakabili na rin aniya ang PhilHealth ng sarili nitong anti-virus software.
Sinabi naman ni PhilHealth President at CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr., ang kanilang kolaborasyon sa eGovPH app ay makakapagpabilis sa proseso ng kanilang paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Mas magiging mabilis na rin aniya ang kanilang koordinasyon sa mga ospital at mismong sa mga pasyente, gayundin sa mga kumpanya ng kanilang mga miyembro.| ulat ni Diane Lear