Philippine Navy, ipinagtanggol ang kanilang junior officer na nadawit sa POGO investigation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng buong suporta ang Philippine Navy sa kanilang Junior Officer na si Lieutenant Jessa Mendoza, upang malinis ang kanyang pangalan matapos na mistulang mabiktima ng “identity theft”.

Ang pahayag ay ginawa ni Philippine Navy Public Affairs Director Commander John Percie Alcos matapos madamay si Lt. Mendoza sa imbestigasyon ng Senado, bilang incorporator o direktor umano ng ilang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay Commander Alcos, sinimulan na ng Philippine Navy ang isang internal inquiry na may koordinasyon kay Lt. Mendoza upang malinawan kung paano nadawit ang kanyang pangalan sa isyu.

Sinabi ni Alcos na handang tumestigo ang Philippine Navy sa walang bahid na record ni Lt. Mendoza sa kanyang isang dekadang serbisyo sa Philippine Navy.

Muli namang pinaalalahan ni Alcos ang lahat ng mga tauhan ng Philippine Navy at mga mamamayan na magsagawa ng kaukulang pag-iingat sa kanilang online activity upang hindi mabiktima ng “identity fraud”. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us