Kinilala ng Department of Health ang Philippine Red Cross dahil sa maagap na pagtugon nito sa measles outbreak sa Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao (BARMM).
Kasunod nito, nagpasalamat si Red Cross Chairperson at CEO Richard Gordon sa DOH dahil sa patuloy na pagsuporta nito sa kanilang adbokasiya.
Gaya na lamang sa aspeto ng operations, logistics, financial aid at technical support para sa mabilis na pagsasagawa ng bakunahan o immunization sa mga nasa liblib na lugar.
Nagpasalamat din si Gordon sa Ministry of Health ng BARMM para sa pag-alalay nito sa mga Red Cross Volunteer na maabot ang mga kababayang nasa malalayong lugar na bihirang maabot ng serbisyong medikal.
Batay sa pinakahuling datos, bumaba na sa 87.9 percent ang naitatalang kaso ng measles sa BARMM kung saan, nasa 1.2 milyong kabataan naman na ang nabakunahan kontra sa naturang sakit. | ulat ni Jaymark Dagala