Philippine Red Cross, pumasok sa kasunduan sa iba’t ibang organisasyon para sa kahandaan sa emergency

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Blood Donor Month ngayong Hulyo, lumagda ang Philippine Red Cross (PRC) sa kasunduan para paigtingin ang kahandaan sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Pinangunahan nina PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang at PRC Rizal Chapter Board Member Anson Ong ang paglagda sa Memorandum of Agreement, kasama ang mga kinatawan ng 19 na mga organisasyon, institusyon, at ahensya ng gobyerno sa Paranaque City.

Ayon kay PRC Chairperson at CEO Dick Gordon, ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang institusyon ay mahalaga upang maging handa sa mga krisis at sakuna, lalo na’t nangunguna ang Pilipinas sa disaster risk.

Sa ilalim ng kasunduan, magpapadala ang mga ospital at medical group ng mga medical personnel upang tumulong sa PRC sa panahon ng malawakang sakuna.

Samantala, susuportahan naman ng mga paaralan at korporasyon ang mga programa at kampanya ng PRC, tulad ng blood donation drives at RC143 volunteering programs. Magbibigay din ang PRC ng first aid training sa mga estudyante at empleyado. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us