Muling nagpalabas ng notice ang Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) sa pagtaas ng volcanic Sulfur Dioxide (SO2) flux mula sa Bulkan Kanlaon.
Sa monitoring ng PHIVOLCS, ang SO2 emission sa summit crater ng bulkan ngayong Hulyo 2, umabot sa 5,083 tonelada.
Ito na ang pangalawang pinakamataas na sulfur dioxide emission ng Kanlaon ngayong taon at pangatlo naman mula ng magsimula ang instrumental gas monitoring.
Ayon sa opisina, posibleng mayroong magmatic activity sa loob ng bulkan dahil sa nagpapatuloy na gas emission, pamamaga, at lindol.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkan Kanlaon habang mahigpit namang pinagbabawal ang pagpasok sa 4KM radius Permanent Danger Zone.
Matatandaang noong Hunyo 28 ay nagpalabas rin ng notice ang PHIVOLCS sa elevated SO2 emission ng Kanlaon.| ulat ni Hope Torrechante| RP1 Iloilo