Nadagdagan ng 10,000 ang lingguhang kapasidad ng upuan sa mga biyahe ng eroplano mula sa Maynila patungo sa iba’t ibang bahagi ng South Korea.
Ito ay matapos ang bagong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea upang mapalakas ang turismo sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa ilalim ng bagong air services agreement, umakyat na sa 30,000 ang lingguhang kapasidad ng upuan sa mga biyahe mula Maynila patungong South Korea, mula sa dating 20,000.
Sa ilalim din ng kasunduang ito, mas maluwag na ang third at fourth freedom traffic, kung saan walang limitasyon sa mga biyahe mula Maynila patungo sa lahat ng iba pang destinasyon sa South Korea.
Samantala, ang mga biyahe mula sa mga lugar sa labas ng Maynila patungo sa lahat ng destinasyon sa South Korea ay nananatiling bukas o walang limitasyon. | ulat ni Diane Lear